Friday, April 29, 2011

Ang Kalabaw « take a peek…

Ang Pinas ay kilala sa isang hayop.. ang matiyaga.. malakas.. at masipag na kalabaw. Pero.. alam mo bang mabilis din tumakbo ang kalabaw?

Sa terminal ng Philippine Rabbit (ito daw ang pinakamalaking rabbit sa buong mundo) sa Bicol, may isang matandang lalake na nagpupumilit sumakay patungong Maynila kasama ang kanyang kalabaw. Pero syempre, hindi siya pinayagang sumakay.

Kundoktor : "Manong, hindi ho talaga pwede, di po talaga natin pwedeng payagang makasakay ang kalabaw nyo."

hindi naman naging mapilit ang matanda. Pumayag din naman sya na hindi makasakay ang kalabaw nya, pero hindi maiiwan.

Matandang lalake : "O sige na nga, makakatipid din ako sa pamasahe kung di sya sasakay. Pero, payagan nyo na lang syang sumunod sa bus ha."

Agad namang pumayag ang kundoktor at nagsimula nang bumiyahe.

Malimit na sumisilip ang kundoktor sa likod ng bus, tinatanaw ang kalabaw. At laking gulat nya, nakakasunod nga ang kalabaw!!! Sa kanyang tantya ay humihit kumulang 60km/hr ang kanilang takbo pero nakakasunod ang kalabaw!

Pagpasok sa expressway, kung saan matulin ang takbo ng mga sasakyan, kinalabit ng matanda ang kundoktor.

Matandang lalake : "Iho, pakisilip nga kung nakakasunod pa yung kalabaw."

Kahit may duda, nagpasiya na rin ang kundoktor na sumilip at sa laking gulat nya ay nakakasunod pa ang kalabaw!

Kundoktor : "Manong, nakakasunod pa po!"

Matandang lalake : "ah.." parang hindi man lang nagulat.

Makaraan ang ilang oras pa sa byahe, naisipan ng kundoktor na silipin ang kalabaw. Sa tingin nya ay wala na iyon.

Palabas ng isang pakanang kanto ang bus kayat ng pagsilip nya sa likod ay wala ang kalabaw. Ngunit sa pagunat ng kalye, nakita nyang nakasunod pa rin ang kalabaw! At palapit pa nang palapit!

Dito nya napansin na na nakalawit na ang dila ng kalabaw kayat agad nyang sinabihan ang matanda.

Kundoktor : "Manong! Manong! Lawit na po dila ng kalabaw ninyo!"

Matandang lalake : "Ha? Ahh.. pakisilip nga ng maigi kung saang banda nakalawit ang dila."

Sa isip naman ng kundoktor eh tutal kanina pa niya ginagawa ang kahit anong sabihin ng matanda, sinipat nya kung saan nakapaling ang dila ng kalabaw kahit parang wala namang kwenta.

Kundoktor : "Manong, sa bandang kaliwa po nya."

Matandang lalake : "ah ganun ba? sabihan mo yung drayber na bilisan ng konti. Ooberteyk yan!"

No comments:

Post a Comment